Pamagat (Ilagay kung bakit humantong ang may-akda sa ganitong pamagat)
• Marahil ay dahil sa saloobin ng may-akda tungkol sa digmaan noong
pinlanong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas kaya siya humantong sa
ganitong pamagat. Pinamagatan itong “Bangkang Papel” dahil sumisimbolo ito
sa kabataan ng bata na tulad ng mga bangkang papel na panandalian lamang
ang paglutang sa tubig sapagkat agad din naman itong nawawasak o nasisira,
ang kabataan din ng bata ay panandalian lamang, ninakaw ito ng realidad ng
buhay at mga suliranin, hindi man lamang niya ito na natamasa ng matagal.
II. May-akda (ipakilala ang may-akda)
• Kilala sa tawag na “Aling Bebang,” ipinanganak si Genoveva Edroza Matute
noong Enero 13, 1915 at namatay siya noong ika- 21 ng Marso, 2009 sa
kaniyang sariling kuwarto sa edad na (94). Nagtapos ng Batsilyer sa
Sekondaryang Edukasyon, Medyor sa Ingles at Doktorado sa Unibersidad ng
Santo Tomas. Naging guro ng 46 na taon sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Higit siyáng kinagiliwan sa kaniyang mga kuwentong nagsusuri sa sikolohiya
ng batà at hinggil sa karanasan ng guro, gaya ng “Walong Taong Gulang,”
“Noche Buena,” “Kuwento ni Mabuti,” at “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata.”
III. Uri ng Akdang Pampanitikan
• Maikling Kwento
IV. Nilalaman
a. Tauhan
• Batang lalaki – gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi nya
napalutang sa tubig kailanman
• Ina – ina ng batang lalaki at ni Miling
• Miling – ang kapatid ng batang lalaki
• Tatay – ama ng batang lalaki at ni Miling na napaslang ng mga kawal
• Mga Kapitbahay:
Aling Berta, Mang Pedring, Aling Ading, Feli, Turing, Pepe
b. Tagpuan
• Sa isang maliit na barong-barong
c. Balangkas (Buod)
Isang batang lalaki ang gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na
hindi niya napalutang sa tubig kailanman. Hindi niya malaman kung ano ang
dagundong ang biglang pumuno sa bahay o ang biglang pagliliwanag.
Nagsunodsunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang
bubungan. Ang paggulong ng mga iyo’y sinasaliwan ng pagliliwanag at
pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag muli. At samantalang pumapailanlang sa
kaitaasan ang kahulihulihang pangarap ng batang yaon, ang panahon ay
patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik at pag-uumugong, sa
pagbabalik ng walang-awang hampas ng hangin at ulan. Ang kinabukasan ng
pagtatampisaw at pagpapaanog ng mga bangkang papel ay dumating ngunit
kakaibang kinabukasan. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang
kaniyang ina na nakahikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si
Miling at ang buhok nito ay talang tigil na hinahaplos ng kaniyang ina. Ang
mukha ng kaniyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati, ngunit
ang mga mata noo’y hindi pumipikit, nakatingin sa wala. Lahat ng lapitan
niya’y nanatiling pinid sa labi. Ipinatong ang kamay sa kaniyang balikat o
kak’y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na. Sa 15 na napatay kagabi ay
kabilang ang kaniya ama sa labas ng bayan sa sagupaan ng mga kawal at
taong-bayan. Nag-aalinlangan, ang batang lalaki’y lumapit sa kaniyang ina na
mabibigat ang mga paa sa paghakbang. Sa bawat hakbang na palayo sa bahay
na pawid at sa munting bukod na kaniyang tahanan ay nadaragdagan ang
agwat ng ulila sa kaniyang kabataan. Ang gabing iyon ang kahuli-hulihan sa
kabataang sa saglit lamang tumagal.
V. Taglay na Bisa (Damdamin, Kaisipan, Asal)
• Damdamin – ang maikling kuwento na ito ay makapagdamdamin dahil sa
musmos na bata na ito ay nawalan na siya ng ama. Isang batang lalaking
gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang
kailanman. Ang mga bangkang papel na itoang nagsilbing mga pangarap nya.
Simula ng pangyayaring iyon ay alam nya na hindi na ito muli matutupad, ang
mga bangkang papel na ito ay hindi na muling lulutang.
• Kaisipan – natutuhan ko sa maikling kuwentong ito na maging bukas ang ating mga kaisipan sa lahat ng posible at maaaring mangyayari sa hinaharap. May
mga bagay na bigla na lang mawawala sa atin ng hindi natin inaasahan.
Maging matatag, matapang at magpursige tayo sa sa ating mga pangarap
sapagkat may mga hadlang na maaaring pumawi nito.
• Asal – hindi natin hawak ang kapalaran kaya mahalin at pahalagahan ang ating
mga magulang. Sila ang nagbigay-buhay sa atin kung gayon ay huwag natin
silang pabayaan at laging alalahanin. Hindi sa panghabang buhay ay sila ang
ating kasama.
VI. Kamalayang Panlipunan
• Ang suliranin ng mga tao sa kuwento sa kanilang lipunan ay ang sagupaan ng
mga kawal at taumbayan na nagdulot ng 15 buhay na nasawi. Tao laban sa
lipunan sapagkat sa kuwento ang lipunan ang may kagagawan sa sagupaan ng
taong-bayan at kawal.