Gawain 7: Pagsusuri

Pamagat (Ilagay kung bakit humantong ang may-akda sa ganitong pamagat)
• Marahil ay dahil sa saloobin ng may-akda tungkol sa digmaan noong
pinlanong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas kaya siya humantong sa
ganitong pamagat. Pinamagatan itong “Bangkang Papel” dahil sumisimbolo ito
sa kabataan ng bata na tulad ng mga bangkang papel na panandalian lamang
ang paglutang sa tubig sapagkat agad din naman itong nawawasak o nasisira,
ang kabataan din ng bata ay panandalian lamang, ninakaw ito ng realidad ng
buhay at mga suliranin, hindi man lamang niya ito na natamasa ng matagal.
II. May-akda (ipakilala ang may-akda)
• Kilala sa tawag na “Aling Bebang,” ipinanganak si Genoveva Edroza Matute
noong Enero 13, 1915 at namatay siya noong ika- 21 ng Marso, 2009 sa
kaniyang sariling kuwarto sa edad na (94). Nagtapos ng Batsilyer sa
Sekondaryang Edukasyon, Medyor sa Ingles at Doktorado sa Unibersidad ng
Santo Tomas. Naging guro ng 46 na taon sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Higit siyáng kinagiliwan sa kaniyang mga kuwentong nagsusuri sa sikolohiya
ng batà at hinggil sa karanasan ng guro, gaya ng “Walong Taong Gulang,”
“Noche Buena,” “Kuwento ni Mabuti,” at “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata.”
III. Uri ng Akdang Pampanitikan
• Maikling Kwento

IV. Nilalaman
a. Tauhan
• Batang lalaki – gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi nya
napalutang sa tubig kailanman
• Ina – ina ng batang lalaki at ni Miling
• Miling – ang kapatid ng batang lalaki
• Tatay – ama ng batang lalaki at ni Miling na napaslang ng mga kawal
• Mga Kapitbahay:
Aling Berta, Mang Pedring, Aling Ading, Feli, Turing, Pepe
b. Tagpuan
• Sa isang maliit na barong-barong
c. Balangkas (Buod)
Isang batang lalaki ang gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na
hindi niya napalutang sa tubig kailanman. Hindi niya malaman kung ano ang
dagundong ang biglang pumuno sa bahay o ang biglang pagliliwanag.
Nagsunodsunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang
bubungan. Ang paggulong ng mga iyo’y sinasaliwan ng pagliliwanag at
pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag muli. At samantalang pumapailanlang sa
kaitaasan ang kahulihulihang pangarap ng batang yaon, ang panahon ay
patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik at pag-uumugong, sa
pagbabalik ng walang-awang hampas ng hangin at ulan. Ang kinabukasan ng
pagtatampisaw at pagpapaanog ng mga bangkang papel ay dumating ngunit
kakaibang kinabukasan. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang
kaniyang ina na nakahikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si
Miling at ang buhok nito ay talang tigil na hinahaplos ng kaniyang ina. Ang
mukha ng kaniyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati, ngunit
ang mga mata noo’y hindi pumipikit, nakatingin sa wala. Lahat ng lapitan
niya’y nanatiling pinid sa labi. Ipinatong ang kamay sa kaniyang balikat o
kak’y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na. Sa 15 na napatay kagabi ay
kabilang ang kaniya ama sa labas ng bayan sa sagupaan ng mga kawal at
taong-bayan. Nag-aalinlangan, ang batang lalaki’y lumapit sa kaniyang ina na
mabibigat ang mga paa sa paghakbang. Sa bawat hakbang na palayo sa bahay
na pawid at sa munting bukod na kaniyang tahanan ay nadaragdagan ang
agwat ng ulila sa kaniyang kabataan. Ang gabing iyon ang kahuli-hulihan sa
kabataang sa saglit lamang tumagal.
V. Taglay na Bisa (Damdamin, Kaisipan, Asal)
• Damdamin – ang maikling kuwento na ito ay makapagdamdamin dahil sa
musmos na bata na ito ay nawalan na siya ng ama. Isang batang lalaking
gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang
kailanman. Ang mga bangkang papel na itoang nagsilbing mga pangarap nya.
Simula ng pangyayaring iyon ay alam nya na hindi na ito muli matutupad, ang
mga bangkang papel na ito ay hindi na muling lulutang.
• Kaisipan – natutuhan ko sa maikling kuwentong ito na maging bukas ang ating mga kaisipan sa lahat ng posible at maaaring mangyayari sa hinaharap. May
mga bagay na bigla na lang mawawala sa atin ng hindi natin inaasahan.
Maging matatag, matapang at magpursige tayo sa sa ating mga pangarap
sapagkat may mga hadlang na maaaring pumawi nito.
• Asal – hindi natin hawak ang kapalaran kaya mahalin at pahalagahan ang ating
mga magulang. Sila ang nagbigay-buhay sa atin kung gayon ay huwag natin
silang pabayaan at laging alalahanin. Hindi sa panghabang buhay ay sila ang
ating kasama.
VI. Kamalayang Panlipunan
• Ang suliranin ng mga tao sa kuwento sa kanilang lipunan ay ang sagupaan ng
mga kawal at taumbayan na nagdulot ng 15 buhay na nasawi. Tao laban sa
lipunan sapagkat sa kuwento ang lipunan ang may kagagawan sa sagupaan ng
taong-bayan at kawal.

Gawain 6: Pagsusuri

I. Pamagat (Ilagay kung bakit humantong ang may-akda sa ganitong pamagat)
• Mabangis na Lungsod – Ang may-akda ay naglalayong ipaalala sa atin na hindi
lahat ng tao ay pantay pantay. Sa ating lipunan, mayroong mga mahirap na
patuloy na humihirap at may mga mayayaman na patuloy na
yumayaman. Dahil ditto, maraming mga tao ang gumagamit na lamang ng
dahas upang makuha at makamit ang mga ninanais.
II. May-akda (ipakilala ang may-akda)
• Efren Abueg – isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at
krititiko ng kaniyang panahon. Sumulat at nag-edit ng maraming mga
sangguniang aklat si Abueg at ginagamit hanggang sa kasaluyukan sa kapwa
pribado at publikong paaralan, mula sa elementarya, sekundarya hanggang sa
kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento sa mga
teksbuk na sinulat ng ibang awtor. At isa sa mga akdang kanyang mga naisulat
ay ang Mabangis na Lungsod.
III. Uri ng Akdang Pampanitikan
• Maikling Kwento
IV. Nilalaman
a. Tauhan
• Adong – 12 gulang na batang pulubi sa Quiapo.
• Aling Ebeng – matandang pilay sa tabi ni adong sa dakong luwasan ng
simbahan.
• Bruno – isang siga na kinatatakutan ni adong na siyang kumuha sa kanyang pera.
b. Tagpuan – simbahan ng Quiapo
c. Balangkas (Buod)
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit
na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay
may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang
ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga
gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi
sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng
lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at
mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na
hinahanap sa isang marikit na altar. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay
parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa
loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kaniyang mga bisig sa
wala pang tunog ng katuwaan. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap
na iyon ay untag sa kaniya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kaniyang katabi
sa dakong liwasan ng simbahan. At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa
habang inilaladay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang
matagal ding kumalansing sa kaniyang bulsa, ngunit kailan man ay hidni nakarating
sa kaniyang bituka. “Maawa na po kayo, Mama..Ale..gutom na gutom na ako!” Ang
mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali,
narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila
ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam
ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Ang pangambang sumisigid na kilabot
sa kaniyang mga laman at nagpapantindig sa kaniyang mga balahibo ay waring
dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. At sa kaabalahan niya’y
hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan. At ang
lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kaniyang mga ugat. Ang basag na
tinig ay naghatid sa kaniya ng lagim. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya
naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kaniya.
V. Taglay na Bisa (Damdamin, Kaisipan, Asal)
VI. Kamalayang Panlipunan
B. Tata Selo
Panuto: Hanapin ang sipi ng “Tata Selo” ni Rogelio Sikat. Suriin ang nilalaman at ideyang nais
iparating nito sa pamamagitan ng pagsunod sa pormat ng pagsusuri na nasa ibaba.
Sipi ng Akda ( ilagay ang link/ sanggunian)
FILIPINO_ Tata Selo Ni_Rogelio Sikat_files
VII. Pamagat (Ilagay kung bakit humantong ang may-akda sa ganitong pamagat)
• Ito ay ibinatay ng may-akda sa pangunahing tauhan ng istorya na isang
lalaking magsasaka na nagngangalang Selo. Bagamat may pagkakaiba sa Tata
Selo na ipinakilala sa atin ni Rizal sa ilang kabanata ng isa sa kanyang nobela, hindi maitatangging maaaring inspirasyon ng may-akda ang naturang tauhan
sa pagbuo ng ‘Tata Selo’.
VIII. May-akda (ipakilala ang may-akda)
• Isinilang noong 1940, Rogelio R. “Sikat” Sicat iniwan niya ang San Isidro,
NuevaEcija noong 1950’s para magtrabaho sa University of Santo Tomas.
Pagkataposmaging campus writer at literary editor ng The Varsitarian , tinuloy
niya hanggang maging isa siya sa mga sikat na pioneers ng Philippine
literature sa pamamagitan ng pagpili ng Filipino bilang lenggwahe ng kanyang
pagsusulat, at sa pamamagitan nag pagtalikod sa mga pag-alala at
pakikipagtagpo sa mga “Western writers”. “Impeng Negro” at “Tata
Selo”, parehong gawa ni Sicat na isinadula sa isang pelikula, ay ilan lamang sa
mga ginawa ni Sicat.
IX. Uri ng Akdang Pampanitikan
• Maikling Kwento
X. Nilalaman
d. Tauhan
• Tata Selo – isang biyudo na may anak na dalaga.
• Binatang mayaman – anak ng pinakamayamang propirtaryo sa bayan ng San
Roque.
• Alkalde Mayor – Pinapunta niya si Saling sakanilang tahanan pagkatapos na
kausapin si Tata Selo sa kanyangtanggapan sa munisipyo at sa kulungan nito
kinabukasan.
• Hepe – Siya ay isang malaking lalaki na namumuno sa pulisya ng San Roque.
• Kabesang Tano – nagmamay-ari ng lupang sinasaka ni Tata Selo
• Saling – Ang maglalabimpitong taon gulang na dalagang anak ni Tata Selo
nanamasukan ng tatlong buwan sa tahanan ng kabesa.
• Batang Magbubukid – isang batang bumisita sa kulungan ni Tata Selo.
e. Tagpuan
• Sa munisipyo sa bayan ng San Roque
f. Balangkas (Buod)
• Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng
munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang
tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng
bahay-pamahalaan. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid,
ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata
sa nagkakagulong tao. “Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiiling
na wika ng kanyang kahangga, talagang hindi ko ho mapaniwalaan”.
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong
putok sa noo. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang
humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang
nasasalisid na alikabok. “Bakit niya babawin ang saka?” tanong ng Tata
Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan?” Nagsindi ito at pagkaraa’y
tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis. “Pa’no po bang
nangyari, Tata Selo?” Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.

Gawain 5: Pagsusuri ng Akda

I. Pamagat (Ilagay kung bakit humantong ang may-akda sa ganitong pamagat)
• Ang Mangingisda
II. May-akda (ipakilala ang may-akda)
• Ang may akda ng maikling kwentong “Ang Mangingisda” ay si Ponciano Pineda. Si
Ponciano B. Peralta Pineda ay isang manunulat, guro, linggwista at abogada. Itinuring si
Ponciano Pineda bilang “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino” dahil sa pagsulong niya na
maitatag ang komisyon batay sa Seksiyon 9 ng atingSaligang Batas. Siya ay naging
direktor ngKomisyon sa Wikang Filipinona dati ay Surian ng Wikang Pambansa sa
taong 1971 hanggang 1999. Sailalim ng kanyang pamumuno, sinimulan ni Pineda ang mga
sosyo-linggwistikong pananaliksik, na layong palaguin ang wikang pambansa. Isa na rito
ang patungkol sa repormang ortograpiya ng wikang Filipino. Sa ilalim ni Pineda ay
may malaking pagbabago sa mga patakaran ng wika: ang bilingual na edukasyon sa
taong 1974; Filipino bilang pangunahin at pambansang wika sa 1983 ng mga Pilipino;
at alpabetong Pilipino na binubuo ng 28 titik sa 1987.
III. Uri ng Akdang Pampanitikan
• Maikling kwento
IV. Nilalaman
a. Tauhan
• Mangingisda – nangangarap na magkaroon ng sariling lantsa
• Don Cesar – isang mayamang tauhan ng kwento na tila kinaiinggitan ng mangingisda dahil
sa mga lantsang mayroon ito.
• Fides – nagmamay-ari ng punduhan na kinauutangan ng gasolina ng mangingisda.
• Ina – ang magulang ng mangingisda na palaging nagpapaalala sa kanya na huwag
kalimutan ang Maykapal sa mga gagawin nito.
b. Tagpuan
• Ang buong kwento ay naganap sa tatlong lugar, sa bahay ng mangingisda, sa
punduhan at sa dagat.

c. Balangkas (Buod)
Ang maliwanag na ilaw sa punduhan nina Fides at lantsa ni DonCesar ang
nagbibigay sa kanya ng lakas upang pangarap at umunlad sa buhay. Nais din ng
mangingisda na magkaroon ng punduhan at lansta. Madalas siyang nangungutang
ng langis at gasolina sapunduhan ni Fides at kung mahina ang kanyang huli ay hindi
siya nakakabayad. Hindi siya makatitig sa naniningkit na mata ni Fides tuwing
uutang siya. Sa mga sulyap pa lamang na iyon ay alam na niya ang nais nitong
ipahiwatig na hindi na namn siya makakabayad.Tuwing papanaog siya sa laot,
lumalakas ang kanyang loob at hangaring magkakaroon din siya ng lantsa tulad
ng lantsa ni Don Cesar nanasa babayin ng punduhan ni Fides. Kapag nagkaroon siya
ng lantsa ay matutungo din niya ang layong inaabot ng lanstang pamalakaya.
Makakabayad na siyang utang kay Fides at makaktitig na sa singkit nitong mata.
Ngunit lagi siyang pinaaalalahanan ng kanyang ina na huwag mangarap ng
mataas. Maging masaya nanahuhuli na makakasuporta na sa araw-araw na
pamumuhay. Madalas din siyang inaaliw sa mga pangaral na manlig sa
Maykapal sapgkat ito lang ang makakatulong sa mga problema na darating sa
kanila. Ngunit madalas na siyang nawawalan ng pananalig sa pagtatakang ang mga
taga-Hilaga ay maganda ang buhay, may mga pagawaan ng bangka, may
punduhan, may lantsa at sa Timog sa kanilang pook ay purobahay na pawid na
nagsilawit sa ilog.Patuloy siyang nagtatanong kung bakit tatlo na ang lantsa ni Don
Fides at lumalakina ang punduhan ni Fides ngunit siya wala pa kahit isa. Patuloy
siyang nangangarap habang sinisindihan ang dinamitang inaakalang
magpapaganda ng kanyang buhay. Binilisan niya ang paghagis bago dumating
ang patrolya.Ngunit hindi nasiya mahuhuli ng patrolya sapagkat wala na, wala na
siya.
V. Taglay na Bisa (Damdamin, Kaisipan, Asal)
• Bisang Pandamdamin – ang istorya ay talagang nakapagbigay malay sa lahat ng
taong maaaring makabasa nito hindi lamang dahil ito ay isang kwento ng isang
dumadaan sa mga pagsubok pero dahil na rin sa mga nagawang bagay ng tauhan sa
kwento na makakapagmulat sa mga pananaw ng mga mambabasa sa isang bagay.
Talaga ngang nagbigay ito ng malaking epekto sa pandamdamin dahil panigurado
na ilan sa mga mambabasa pati na rin ako ay napunta na sa parehong sitwasyon na
nagbigay ng emosyonal na pananalakay, ito ay kalungkutan na may halong pagsisisi
para sa mga pangyayari sa akda.
• Bisang Pangkaisipan Sa kwentong “Ang Mangingisda” ilan lamang sa ating
maaaring matutunan ay ang huwag magmadali sa mga bagay-bagay dahil ang
pagdalos dalos ay makakasama lang sa atin. Maihahalintulad nalang natin ito sa
tauhan sa kwento dahil sa kanyang kasabikan upang maging mayaman at
makaangat sa buhay idinaan niya ito sa mabilis na masamang paraan na nagresulta
lamang sa isang kamalian. Nararapat lang na pagisipan nating mabuti ang lahat ng
aksyon na gagawin natin dahil pwede tayong buuin o sirain nito.Implikasyon sa
Lipunan Ang lipunan ay dapat magkaisa upang bawasan na ang diskriminasyon at
tulungan ang mga nangangailangan. Katotohanan man ang ipinakita ng kwento ay
panahon na upang baguhin ang katotohanang ito.
• Bisang Pangkaasalan Sa mga pangyayari sa kwento, nagbigay ito ng pagbabago ng
pananaw na kung saan kahit may mga gusto tayong makamit ng mabilisan hindi
natin ito madadaan sa gusto nating paraan lalo na kung ito ay isang pinagmadalian
at masamang paraan sa pagresolba ng isang problema o pagkamit ng pangarap.

Piliin natin ang aksyon na hindi tayo makasasakit kahit ninuman o anuman at isama
sa atin lagi ang pananalig sa Maykapal.
VI. Kamalayang Panlipunan
• Mapapansin na ang naging talakay sa kwento ay sa buhay ng mangingisda, kung iuugnay
ito sa totoong buhay, ang sitwasyon ay kapareho lamang kung saan ang ilan sa mga
mangingisda sa bansa ay hirap na rin para magkaroon ng sapat na kita para sa pamilya na
nagdudulot sakanila ng masamang kaisipan para dumaan narin sa maling paraan ng
pagkakamit ng kanilang ninanais. Ang lipunan ay dapat magkaisa upang bawasan na ang
diskriminasyon at tulungan ang mga nangangailangan. Katotohanan man ang ipinakita ng
kwento ay panahon na upang baguhin ang katotohanang ito.

Sanggunian: http://solomonannkristy.blogspot.com/2015/08/ang-mangingisda-ni-ponciano-b-peralta_8.html

Gawain 1

Uri ng Kwento
• Maikling Kwento
II. Pamagat
• Ang Nawawalang Sapatos ni Kulas
III. Nilalaman
a. Tauhan
• Nicholas Cruz
• Julio Cruz
• Vina Cruz
• Leon
b. Tagpuan
• Pook – sa mismong bahay ng pangunahing tauhan
c. Banghay (Pangunahing Pangyayari, Pasidhi o Pataas na Pangyayari,
Karurukan/Kasukdulan, Kakalasan at Wakas)
• Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang pamilya ng batang si Nicholas
Cruz. Mas kilala siya sa Kalye Sampaguita bilang si Kulas, sampung taong
gulang na anak nina Julio at Vina Cruz.
Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga kasangkapan sa bahay ang ama ni
Kulas samantalang kahera naman isang tindahan ang kanyang ina.
Isang araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos ng anak ay nagtaka ito.

“Nak, ba’t ang lumang rubber shoes mo ang suot mo? Di ba binilhan ka namin
ng papa mo ng bago?” tanong ng ina sa bata.
Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman na bumusina na ang sasakyan na
maghahatid sa kanya sa paaralan. Humalik ito sa mama niya at dali-daling
tumakbo palabas ng bahay.
“Leon, bilisan mo nariyan na iyong school bus,” sabi ni Kulas sa nakababatang
kapatid habang tumatakbo siya palabas.
Natapos ang kalahating-araw ng klase at hinatid na pauwi sa kanilang bahay
sina Kulas at Leon. Pagdating nila sa sala, nagulat ang panganay na may
karton na naglalaman ng bagong sapatos.
“Ma, kanino po ‘tong rubber shoes?” tanong ni Kulas sa ina niya.
Ngumiti ang ina at sinabihan siyang sa kanya iyon. Bagong rubber shoes at
mukhang mamahalin yung binili ng mama niya para sa kanya. Kinabukasan,
sinuot niya ito papuntang paaralan dahil sakto naman na P.E. nila.
Pagkalipas ng isang linggo, nagulat si Vina noong sinumbatan sya ni Julio
habang nag-aayos siya sa harap ng salamin at ang asawa naman ay
nagbabasa ng dyaryo sa higaan nila.
“Akala ko ba binilhan mo ng bagong sapatos si Kulas kaya naubos ang sweldo
mo. Bakit mukhang luma yata yung nabili mo,” sabi ni Julio.
Nagulat si Vina sa sinabi ng asawa. Idiniin niya bumili talaga siya ng bago at
mahal iyon kaya humiram pa siya ng pera sa may-ari ng tindahan.
Pagdating ng tanghalian, nakarating na ang mga bata. Tama si Julio at luma
na ang sapatos na suot ni Kulas. Nagulat ang ina at tinanong ang anak.
“Nak, binilhan kita ng bagong sapatos, e, bakit luma pa rin iyang sinusuot mo?”
tanong ni Vina sa anak.
Nagdahilan si Kulas na nakalimutan niya raw na may bago na pala siyang
sapatos. Inutusan siya ng ina na kunin iyon at dalhin ito sa kanya. Ilang minuto
na naghintay si Vina pero hindi bumalik si Kulas.
Pinuntahan niya ito sa kwarto at nadatnan niya palakad-lakad si Kulas at balisa.
Tinanong ulit ni Vina ang anak tungkol sa sapatos niya. Pang-apat na pares ng
sapatos na iyon na binili para sa kanya ngayong taon.
“Mama, patawad po. Binigay ko po sa kaibigan ko sa labas ng paaralan ang
bagong sapatos na bili niyo para sa akin,” pagtatapat ng bata.
“Ano? Binilhan ka ng bago tapos ipamimigay mo lang pala? Walang mali sa
pagbibigay anak pero sana, inisip mo rin na binili namin ng papa mo iyon para
sa iyo. Nag sinungaling ka pa,” sabi ni Vina sa anak.

Pinuri ng ina ang bata sa pagiging mapagbigay nito pero pinaalalahanan rin
niya na mali ang magsinungaling kahit ano pa ang dahilan. Inihayag niya rin
kay Kulas na sana ay pahalagahan nito ang mga binibigay nila ng ama niya
dahil pinaghihirapan nila ito.
Humingi ng patawad si Kulas at nangako sa ina na pahahalagahan na niya ang
susunod na mga sapatos at mga gamit na ibibigay sa kanya ng mama at papa
niya. Nangako rin siyang hindi na siya magsisinungaling.
IV. Taglay na Bisa (Damdamin, Kaisipan, Asal)
• Pahalagahan ang mga pinaghihirapan ng mga magulang
• Huwag magsisinungaling kahit mabuti pa ang dahilan
V. Kamalayang Panlipunan
• Hindi na bago sa ating lipunan ang magsinungaling para sa pansariling
interes. Likas na sa mga bata ang magtago ng lihim sa mga magulang para
lang hindi sila mapagalitan.

Mga Akda sa Bawat Panahon

Ito’y iisa lamang sa mga akdang aking napili sa bawat panahon na nakaimpluwensya sa Panitikan ng Pilipinas at ng Daigdig.

1. Panahon ng Katutubo

Alamat ng Ampalaya (Augie Rivera)

Noong unang panahon, sa bayan ng mga gulay, ang lahat ay may kanya kanyang katangian.

Ang kalabasa ay may kakaibang tamis, ang kamatis ay may asim at makinis na kutis, ang luya ay may kakaibang anghang, ang labanos ay may sobrang kaputian, ang talong ay may lilang kulay, ang mustasa ay luntian. Ngunit may isang gulay na may kakaibang anyo. Ito ay si ampalaya. Siya ay may maputla at may lasang di maipaliwanag. Araw araw, walang ginawa si ampalaya kundi ikumpara ang sarili sa ibang gulay.

Isang araw, nagplano si ampalaya na kuhanin ang taglay na katangian ng ibang gulay. Nang sumapit ang gabi, naisakatuparan nya ang balak. Isinuot nya ang taglay na katangian ng lahat ng gulay.

Tuwang tuwa si ampalaya sakapagkat ang dating di pinapansin ay pinag kakaguluhan na ngayon. Ngunit walang lihim na di mabubunyag, napagkasunduan ng lahat ng gulay na sundan ang kakaibang gulay.

Dito nila nalaman na ang magandang gulay ay walang iba kundi si ampalaya. nagalit ang lahat at si ampalaya ay iniharap sa diwata ng lupain.

Bilang parusa, ang balat ni ampalaya ay kumulubot at ang lasa sa loob ng kanyang katawan ay naging mapait na dulot ng pag hahalo halo ng lasa ng ibang gulay.

Repleksiyon: Walang mabuting naidudulot ang inggit.
Nilikha tayo ng Diyos ng may iba’t-ibang katangian kaya maging kuntento tayo at iwasang ikumpara ang sarili sa iba.

ref: https://pinoycollection.com/alamat-ng-ampalaya/

2. Panahon ng Kastila

Doctrina Christiana (Juan de Plasencia)

Doctrína Christiána en lengua española y ta- gala (Dok·trí·na Kris·ti·yá·na en leng·gu·wá es·pan·yó·la i ta·gá·la) ang kauna-unahang limbag na aklat sa Filipi- nas. Inilathala ito noong1593 sa imprenta ng mga Dominiko sa Maynila at malinaw ang layunin na maging kasangkapan sa pagtuturo ng mga pangu- nahing doktrinang Kris- tiyano. Nilalamán nitó ang mga dasal na “Ang Ama Namin,” “Ang Aba Ginoong Maria,” “Ang Sumampalataya,” at “Ang Aba Po,” ang mga aral na “Ang Sampung Utos,” “Ang Utos ng Santa Igle- sya,” “Ang Pitong Sakra- mento,” at “Ang Pitong Punong Kasalanan at kaukulang Pakikinabang,” at ang “Tanungan” para sa pangungumpisal. Nakasulat ang mga ito sa wikang Español at may salin sa Tagalog sa alpabetong Romano ngunit may bersiyon din ang Tagalog sa katutubong baybayin.

Nagkakaisa ang mga historyador na kay Fray Juan de Plasencia, isang Pransiskano, ang salin sa Tagalog at in- aprobahan ng lupong binuo ni Obispo Salazar noong 1582. Ipinalalagay ding halos kasabay ng Doctrina sa mga wikang Español at Tagalog ang Doctrina Christiana en le- tra y lengua China. Paglaon, may ganito ring libro na lumabas at may salin sa ibang mga wika ng Filipinas. (IPC)

ref: https://philippineculturaleducation.com.ph/doctrina-christiana/

3. Panahon ng Propaganda

Noli Me Tangere (Jose Rizal)

Nagiibigan si Crisostomo Ibarra at Maria Clara ngunit hindi sangayon si Padre Damaso na ama ni Maria Clara dahil magkaaway ang ama ni Ibarra.

Namatay si Padre Damaso dahil sa hindi katiyakan dahilan, marahil sa matinding kalungkutan dahil nagalit si Maria Clara sa kanya dahil sya ay may kinalaman sa pagkamatay ng ama ni Ibarra.

Malaki ang Impluwensya ng simbayan sa lipunan sa panahon ng kastila dahil sila ang namumuno sa simbahan at may pinakamalaking kita at sinusunod ng mga tao sa lipunan.

Si Crisostomo Ibarra ang pumukaw sa pamahalaan upang magising sa katotohanan na ang bansa ay nasasadlak sa kahirapan dahil sa kamangmangan.

Ang mag kastila at mga negosyanteng intsik ay nagsasamtala sa kahinaan ng mga pilipino kung kayat sila ay naipagbibili ang ari arian sa murang halaga at ipinagpapalit sa mga ginto at mga damit.

Repleksiyon: Gagawin ang lahat para ipaghiganti ang sarili mo, di lang sa iyo kundi sa nakakaranas ng pait sa kanilang buhay. Magsama-sama at sabayan ng hustista ang kanilang kabayaran.

4. Panahon ng Himagsikan

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa (Andres Bonifacio)

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumanta’t sumulat,
Kalakhan din niya’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagut-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,
Na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugulan ng buhay na iwi?

Ito’y ang Inang Bayang tinubuan:
Siya’y ina’t tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan,
Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal,
Mula sa masaya’y gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa’y mapasa-libingan.

Sa aba ng abang mawalay sa bayan!
Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala’t inaasa-asam
Kundi ang makita’y lupang tinubuan.

Pati ng magdusa’y sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y masasa-panganib At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay
Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na’t ibangon ang naabang bayan.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Ng kahoy ng buhay na nilanta’t sukat,
Ng bala-balaki’t makapal na hirap,
Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Ipahandug-handog ang buong pag-ibig
At hanggang may dugo’y ubusing itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,
Ito’y kapalaran at tunay na langit.

Tula tungkol sa pagmamahal sa bayan ni Andres Bonifacio.

Repleksiyon: Mahalin natin ang ating bayan ng buong-buo. Huwag nating hayaan na mamatay ang ating pagiging makabayan. Sabi nga sa tula, wala ng hihigit pa sa ating pagmamahal sa bayan kaya’t lagi nating ihangad ang pag-unlad ng ating bansa.

5. Panahon ng Amerikano

Tanikalang Ginto (Juan Abad)

Si Liwanag ay nalilito sa kung ano ang gagawin pakasalan ang nag-iisang mahal na si K’ulayaw o ang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang amain na si Maimbot. Hindi nais ni Maimbot na magpakasal si Liwanag kay K’ulayaw nais niyang makasama at pagsilbihan siya ni Liwanag hanggang siya ay sumakabilang buhay. Inatasan niya si Nagtapon, ang kanyang alipin na bantayan at pagbawalan ang pagkikita ng dalawa. Ginawa ni Maimbot ang lahat ng kanyang makakaya upang hadlangan ang pag-iibigan ng dalawa. Binigyan niya si Liwanag ng Tanikalang ginto at pinangakuan ng marami pang kasaganahan sa buhay upang makuha ang hiling niyang ampunin si Liwanag. Ang tanikalang ginto ang nagsilbing isang kontrata na pinanghahawakan ni Maimbot kay Liwanag. Subalit nanaig ang kagustuhan ni Liwanang na sumama at magpakasal kay K’ulayaw. Dahil dito nauwi sa marahas na paraan ang pagpupumilit ni Maimbot. Sa huli’y si Nagtapon din ang nakapatay sa sariling kapatid.

Repleksyon: Ang dulang ito ay naglalarawan kung anong klaseng lipunan ang mayroon noong panahon ng mga Amerikano, walang kalayaan. Mapapansin din na ang ganitong klaseng lipunan ay patuloy pa rin namang nabubuhay hanggang sa kasalukuyan. Hindi makalaya ang Pilipinas mula sa mga kasinungalingan at dumi ng gobyerno.

ref: https://www.scribd.com/document/444201248/Tanikalang-Ginto

6. Panahon ng Hapon

Lupang Tinubuan (Narciso Reyes)

Si Danding ay isa sa mga kasama ni kanyang Tiya Juana at Tiyo Gorio. Sila ay may balak na uuwi sa lalawigan upang makipaglibing sa kanyang Tata Inong, ang pinsan kanyang ama.

Pero, sa kanyang pag-uwi ay marami pala siyang mga kamag-anak sa Malawig. Doon niya nalaman na na marami pala siyang mga di-kilalang kapamilya. Isa nga sa mga kamag-anak niya ay si Lolo Tasyo. Nagkuwento ang matanda kay Danding tugkol sa knayang Ama. ’ Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang munti.

Isinalaysay ni Lolo Tasyo ang kwento ng kanyang ama at dito niya rin binalikan ang mga karanasan niya kasama ang kanyang namayapang ama. Habang pinag-iisipan nito ang kanyang mga karanasan, na intindihan niya na siya pala ay mayroong pagmamahal sa kanyang lupang tinubuan. Ito’y dahil marami siya magagandang karanasan at mga pagsubok na nalampasan.

Dito niya nakasama ang kanyang mga pamilya, mga kaibigan, at ang mga ginagawa niya dati noong siya’y bata pa lamang. Ang paglilipad ng sarangola at pagkahulog sa kalabaw, ito ay mga simpleng bahagi ng buhay lamang para sa kanya pero ito’y naging malaking parte ng kanyang paglaki.

Naipakikita rin dito kung paano ang mga tauhan sumugpo sa suliranin kagaya ni Danding at nabigyan ng linaw ang kanyang mga tanong tungko sa kanyang ama. Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan.

Repleksyon: Sa kwentong ito ay ipinakita ang karanasan ng isang grupo ng tao na siyang nagsasalarawan sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

7. Panahon ng Isinauling Kalayaan

Isang Dipang Langit (Amado V. Hernandez)

Ako’y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon –
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!

Repleksiyon: Tinatalakay nito ang mga tema ng pagdurusa. Ito’y dahil sa pagtukoy ng kanyang mga karanasan na kanyang ipinahayag habang nasa loob ng kulungan. Bukod sa lahat, ito ay nagpapakita ng hangarin ng pagkalaya.

Isang Dipang Langit Kahulugan At Aral Na Makukuha

8. Panahon ng Bagong Lipunan

Litanya kay Sta. Clara (Teo Antonio)

Misis de la Cruz, sumayaw ka, Kumendeng ka, kumendeng pa, Ipagaspas mo ang iyong saya. Humiling ka sa mahal na santa, Umawit ka sa mahal na patrona. Hindi dasal ang pamplet sa pagpaplano Ang kampanya sa dyaryo Ang operasyon sa ari ng tao Sta. Clarang pinung-pino Sila po ay pakinggan Pagsayawin po ng pawis ng sakripisyo Isakripisyo po ang pildoras sa pandanggo.

Repleksyon: Isang awiting-bayan na tungkol sa paghihingi ng kahilingan kay Santa Clara. Inaawit ito ng babae o lalaki or mag-asawang gustong magkaanak.

Design a site like this with WordPress.com
Get started